
Madamdamin ang naging muling pagkikita ng Home Along Da Riles cast na sina Claudine Barretto, Gio Alvarez, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, Smokey Manaloto, Maybelyn Dela Cruz, Jenny Quizon, Nova Villa, at Cita Astals.
Noong Martes (May 28), ipinakita ni Claudine ang video ng kanilang mini-reunion kung saan hindi napigilang maging emosyonal ng lahat nang muling makita ang dati nilang co-star na si Cita Astals.
"Lahat sila nagtatanong, where's Tita Cita? Finally, noong nakita ko 'yung reaction nung mga kapatid ko sa [Home Along Da Riles], si Tita Nova, nandoon pa rin 'yung closeness. Nandoon pa rin 'yung warm ng bawat isa," kuwento ni Maybelyn.
"Noong niyakap namin siya, parang kahit na walang salita na lumalabas, naiintindihan namin siya," pagpapatuloy ni Smokey nang muli nilang makita si Cita.
"Ito na oh, paunti-unti, pakumpleto na kami," sabi naman ni Claudine.
"The family was lost for a while but now it's back," pagbabahagi ni Gio.
Ipinarating ng cast kung gaano sila kasaya na muling nakita si Cita. Nagpasalamat naman ang huli sa effort ng lahat na hanapin siya.
Inalala rin ng cast ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Ani Vandolph, "Sabi ko nga sa inyo guided kami by Tatay."
Dagdag naman ni Claudine, "Alam ko na nanonood sa amin si Tatay, na masayang masayang-masaya siya."
Noong May 17, kumasa sa viral na makeup transformation challenge na Asoka ang Home Along Da Riles cast, na mayroon na ngayong mahigit 6.3 million views sa Facebook page ni Gio.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG CELEBRITIES AT INFLUENCERS NA KUMASA SA ASOKA CHALLENGE RITO: