
Muling nagsama-sama ang cast members ng upcoming series na Honor Thy Mother.
Kasama ang directors, creative team, at GMA, ABS-CBN Studios, at Prime Video executives, dumalo ang cast sa media conference.
Isa sa talaga namang inabangan sa mediacon ay ang pagdating ng lead stars ng series na sina Barbie Forteza, Khalil Ramos, John Estrada, at Sharon Cuneta.
Bukod kina Barbie, Khalil, John, at Sharon, present din sa event ang iba pang cast members na sina Criza Taa at Mercedes Cabral.
Naging mas special ang event para kina Barbie at Khalil dahil dumalo rin dito ang parents Kapuso actress at ng mommy ng aktor.
Ginanap ang star-studded event nitong September 8 ng hapon, sa Solaire North, Quezon City.
Magsisimula nang mapanood ang Honor Thy Mother ngayong darating na September 11, sa Prime Video.
Related gallery: Silipin ang story conference ng serye sa gallery sa ibaba.