
Binigyan linaw na ni Jeromy ng HORI7ON ang balitang kumakalat sa fans na may love ban sa P-Pop groups.
Matagal nang bali-balita na ang mga miyembro ng iba't ibang idol groups ay pinagbabawalan magkaroon ng boyfriend o girlfriend.
Sa pagbisita nila ni Sugar Mercado sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 1, kinumpirma ni Jeromy na totoo ang mga haka-haka ng fans at netizens.
“Nasa kontrata po namin 'yun na once nagka-relationship kami with someone...We're not allowed to have a relationship, girl or boy, ganun. If maano namin 'yun, magbabayad kami,” sabi ni Jeromy.
KILALANIN ANG RISING GLOBAL P-POP GROUP NA HORI7ON SA GALLERY NA ITO:
Tinukso naman siya ng kanyang ka-duo sa Stars on the Floor na si Sugar, at tinanong kung puwede bang magkaroon sila ng crush.
“Crush iya si Chanty, e. Tito Boy, never niyang matitingnan ng mata sa mata si Chanty. Ang ganda ng mukha ni Chanty,” sabi ni Sugar.
Sa kabila ng love ban at pang-aasar ni Sugar, nagbigay ng payong pag-ibig ang Sexbomb Girls member sa kanyang ka-duo.
“Ako, lagi, unahin mo lagi si Lord. Lahat, pati relasyon mo, kasama na dun. Kasi kung wala, lotlot 'yan. Ibig sabihin, 'pag inuna mo kasi siya, pulido 'yan lahat, e. 'Yung parang lahat kasama na du'n, 'pag inuna mo, nasa-center n'yo si Lord,” sabi ni Sugar.
Samantala, sa hiwalay na interview naman ng kapwa niyang HORI7ON member na si Vinci sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong 2024, ibinahagi niya ang payo sa kanila noon na mas pagtuunan na lang ng pansin ang kanilang karera imbes na romance.
Panoorin ang panayam kay Jeromy dito: