
May treat para sa mga horror fans ang digital channel na I Heart Movies!
Kabilang kasi ang 2019 film na Sunod sa mga pelikulang maaaring tunghayan ngayong linggo.
Tampok sa Sunod ang aktres na si Carmina Villarroel. Gaganap siya rito bilang single mother na si Olivia.
Dahil bedridden at may sakit ang kanyang anak, mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.
Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.
Abangan ang Sunod, June 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang sexy romance film na Wild and Free nina Kapuso stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez.
Gaganap sila rito bilang ex-lovers na bibigyan ng second chance ang kanilang failed relationship.
Abangan ito sa sa July 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.