
May treat para sa mga horror fans ang digital channel na I Heart Movies!
Kabilang kasi ang 2019 film na Sunod sa mga pelikulang maaaring tunghayan ngayong linggo.
Tampok sa Sunod ang aktres na si Carmina Villarroel. Gaganap siya rito bilang single mother na si Olivia.
Dahil bedridden at may sakit ang kanyang anak, mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.
Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.
Abangan ang Sunod, September 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tunghayan din si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Kubot: The Aswang Chronicles 2, September 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Sa pangalawang installment ng action horror comedy adventure film na co-written at idinirek ni Erik Matti, tila matatahimik na ang buhay ni Makoy at ng kanyang pamilya. Babasagin ng mga panibagong aswang na kung tawagin ay "kubot" ang simula ng kanilang payapang buhay.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital televisions receivers.