
Nag-marka ng husto sa viewers at fans ang personal horror story ni Shaira Diaz na ibinahagi niya sa Running Man Philippines nitong Sabado ng gabi, June 8.
Bago ang matinding takutan ng Haunted School mission nila sa Sengdun School sa Hongcheon, South Korea, isa-isa nagbahagi ng nakapangingilabot na kuwento ang Runners.
Talagang ipinaramdam ng Running Man Philippines ang 'Gabi ng Lagim' vibes nitong Sabado ng gabi dahil sa na-encounter ni Shaira na isang elemento sa lock-in taping niya noon sa primetime series na Lolong.
Matapos ma-upload ang kuwento na ito ni Shaira sa TikTok ay umabot na sa mahigit four million ang views nito.
@gmanetwork #RunningManPH2: June 8, 2024 | NAKAKATAKOT NAMAN 'YUNG KWENTO MO SHAIRA! 😭#RunningManPH #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network
Samantala, nag-post naman ng behind-the-scenes photos ang Unang Hirit host sa Instagram kasama ang Runners at pati ang SB19 member na si Josh Cullen kung saan nagpasalamat ito sa buong team ng Running Man Philippines.
Balikan ang ilan sa best moments ng two nights of fright sa Running Man Philippines sa video below.
RELATED CONTENT: MOST-VIRAL EPISODES OF RUNNING MAN PH SEASON ONE