GMA Logo Beauty Gonzalez Mike Tan Kris Bernal House of Lies
Courtesy: GMA Network, House of Lies
What's on TV

'House of Lies' finale, ngayong Biyernes na

By EJ Chua
Published May 22, 2026 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 22, 2026
Radio broadcaster shot dead in SGA-BARMM
The court, the dike, and the kitchen: Jayson Castro's full-court press for Kapampangan heritage

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez Mike Tan Kris Bernal House of Lies


Huwag palampasin ang pagtatapos ng 'House of Lies' ngayong May 22 ng hapon.

Kaabang-abang ang mga eksena sa huling episode ng GMA intense drama series na House of Lies.

Hindi dapat palampasin ng mga manonood kung anu-ano ang mangyayari sa mga karakter sa serye gaya na lang ng pamilya Torrecampo.

Isa sa mga dapat subaybayan sa finale ng serye ay mga kaganapan sa buhay ni Marj, ang role ni Beauty Gonzalez.

May happy ending kaya sila ng asawa niya na si Paolo (Mike Tan)?

Dapat ding abangan ang iba pang pasabog na eksena sa intense drama.

May pag-asa pa bang maging maayos ang kalagayan at bawat relasyon ng mga miyembro ng pamilya Torrecampo?

Matatandaang kamakailan lang ay pumanaw na si Edward, ang karakter ni Martin Del Rosario sa serye.

Related gallery: On the set of House of Lies

Balikan ang mga huling eksena ni Edward (Martin Del Rosario) sa video sa ibaba.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng House of Lies, mapapanood ngayong Biyernes, May 22, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GMA Play.