
Talaga namang mainit ang naging pagtanggap ng Pinoy viewers sa intense drama series na House of Lies.
Natunghayan ang finale ng serye nitong nakaraang Biyernes, May 22, na tinutukan ng mga manonood at marami sa kanila ang napa-react sa mga eksena rito.
Ikinatuwa ng marami ang last scenes, kabilang na ang happily ever after ng mag-asawang Marj at Paolo, ang mga karakter nina Beauty Gonzalez at Mike Tan.
Napa-react din ang viewers sa sinapit ni Thea, ang kontrabida sa serye na ginampanan ni Kris Bernal.
Matapos ang sunod-sunod na kasamaan na kanyang ginawa, buhay ang naging kabayaran sa lahat ng naging kasalanan niya. Bukod kay Thea, binawian din ng buhay ang kasabwat niya na si Aldrin (Jome Silayan).
Mababasa sa social media na talaga namang nagustuhan ng mga manonood ang mga huling tagpo sa serye.
Narito ang ilan sa kanilang positive reactions at comments:
Samantala, napanood din sa serye ang Kapuso actor na si Martin Del Rosario. Nakilala siya rito bilang si Edward Torrecampo.
Related gallery: On the set of House of Lies
Bukod sa kanila, naging parte rin ng cast sina Kokoy De Santos, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Angel Cadao, Geo Mhanna, Kayla Davies, at iba pa.