GMA Logo Kris Bernal and Martin del Rosario, Camille Prats and Iya Villania
photo by: The People Have Spoken
What's on TV

'House of Lies' stars at 'Mars' hosts, maglalaro sa 'The People Have Spoken'

By Kristine Kang
Published July 10, 2026 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presidente sang pribado nga kolehiyo sa Iloilo City kag iban pa, ginkasuhan | Ratsada Balita
DMW to appeal to Ombudsman ruling on P1.4B land deal
Glaiza de Castro to star in MMFF 2026 fantasy-drama entry 'Amir'

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal and Martin del Rosario, Camille Prats and Iya Villania


Abangan sina Kris Bernal at Martin del Rosario vs. Camille Prats at Iya Villania sa 'The People Have Spoken' ngayong Sabado!

Mainit ang magiging labanan at tawanan ngayong weekend sa masayang original game show ng GMA na The People Have Spoken!

Sa darating na Sabado (July 11), isang panibagong kulitan at kuwentuhan ang mapapanood kasama ang high-energy Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.

Abangan ang mga bagong celebrity pairs na susubok pulsuhin ang boses ng People para sa pagkakataong manalo ng PhP 200,000!

Humanda sa banters at kulitan ng Team KRISMART, ang House of Lies stars na sina Kris Bernal at Martin del Rosario.

Makakatapat naman nila ang competitive at nakakatawang MARS duo na sina Camille Prats at Iya Villania, o ang Team CAMYA.

Mas dodoble ang tawanan at mga diverse na opinyon dahil makakasama muli ang witty celebri-peeps. Makipagkulitan kasama ang unfiltered comedian na si Baus Rufo at ang advocate-beauty queen na si Joy Barcoma!

Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP 200,000?

Abangan ang The People Have Spoken tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Balikan dito ang behind-the-scenes ng The People Have Spoken pilot episode: