GMA Logo Paolo Ballesteros house in Antipolo
Celebrity Life

House of Paolo Ballesteros in Antipolo transforms into a giant Christmas gift

By Jimboy Napoles
Published October 27, 2021 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Ballesteros house in Antipolo


Nagmistulang dambuhalang regalo ang tahanan ni Paolo Ballesteros sa Antipolo City ngayon dahil sa malaking ribbon na ikinabit niya sa harapan at itaas ng kaniyang bahay.

Ilang araw na lang Pasko na! Kaya naman marami sa atin ngayon ang kaniya-kaniya na ng lagay ng Christmas decorations sa mga tahanan.

Ang award-winning actor at Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros ay pinalagyan ng malaking ribbon ang harapan at itaas ng kaniyang bahay sa Antipolo City.

Ang resulta, tila naging isang dambuhalang regalo ito na kahit sino ang makakita ay talagang mae-excite itong buksan.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Paolo ang larawan ng kaniyang bahay na ngayon ay mistulang malaking Christmas gift.

"Gold na siya ngayon!" ayon sa caption niya.

Noong nakaraang taon kasi, pulang ribbon ang inilagay ni Paolo, ngayong taon ginawa naman niya itong gold ribbon na sa gabi ay nagliliwanag dahil sa mga Christmas lights na bumubuo at nakapalibot dito.

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Pabiro namang nag-kumento ang kapwa Eat Bulaga host ni Paolo na si MJ Lastimosa sa kaniyang post. "Pwede ba mamasko jan frend," sabi ni MJ.

Source: pochoy_29 (Instagram)

Sa ngayon, nasa mahigit 60,000 likes na sa Instagram ang post na ito ni Paolo.

Samantala, pwede mo ring libutin ang loob at labas ng modern minimalist house ni Paolo sa gallery na ito: