
Mga Kapuso at mga Kapamilya, ipakikilala na ni Big Brother ang bago niyang housemates.
Sa GMA news program na 24 Oras, ire-reveal na ang kung sino ang ilang Kabataang Pinoy na magiging parte ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Makikita sa posts ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center ang pasilip sa facial features ng magiging bagong housemates.
Isa kaya sa kanila ang inyong iniidolo?
Sinu-sino kaya sila?
Huwag palampasin ang isa sa big revelations ni Kuya ngayong Martes ng gabi, October 21.
Get ready sa sunud-sunod na sorpresa at twists na matutunghayan sa bagong season ng collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Sabay-sabay tayong tumutok sa pagsisimula ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong October 25 na sa GMA Network.
Related gallery: The Big ColLove Fancon