
Muling magkakasama ang pamilya ni Kuya na napanood ng Pinoy viewers sa nakaraang season ng Pinoy Big Brother.
Sa latest teaser na inilabas ng GMA at ABS-CBN, ipinakilala na ang mga Kapuso at Kapamilya na magko-collab ulit bilang hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kabilang dito sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi na nakilala sa programa bilang Kapuso It Girl ni Kuya at Kapuso Royal Tropa ni Kuya.
Ka-collab ulit nina Gabbi at Mavy ang Kapamilya stars na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, at Alexa Ilacad.
Ang walong artists ay napanood sa nakaraang season ng collab, kung saan ang itinanghal na Big Winner Duo ay sina Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa).
Ngayong ipinakilala na ang maghahatid ng updates tungkol sa mga mangyayari sa Bahay Ni Kuya, kaabang-abang naman kung sinu-sino ang ipakikilala bilang bagong housemates na susubaybayan din gabi-gabi.
Abangan ang susunod na detalye tungkol sa panibago at exciting na collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong October na sa GMA Network.