
Bukod sa pagiging mahusay na aktres, isa ring hands on mom ang StarStruck alumna na si Yasmien Kurdi.
Hindi lang ang husay niya sa pag-arte ang hinahangaan ng kaniyang fans kundi pati na rin ang pagiging mabuti nitong magulang sa kaniyang anak na si Ayesha Zara.
Nang imbitahan si Yasmien sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” ibinahagi ng Start-Up PH actress ang buhay niya bilang isang ina.
Nang tanungin siya ng host na si Nelson kung siya ba ay isang strict mother, ipinaliwanag ng aktres kung paano niya dinidisiplina ang kaniyang anak.
“Tina-try ko talaga na hindi rin, para sumunod sa'yo ang bata kailangan hindi ka rin ganun ka strict. Para kapag kailangan mo na magsalita na 'yung mga bagay na kailangan mo siyang sawayin makikinig siya. Hindi 'yung parang lahat na lang bawal. Lahat na lang ganito. Tapos hindi mo siya binibigyan ng konting freedom. Ang mangyayari parang magtatago na siya sa'yo. Hindi na siya magsasabi, na lahat ng kukuwento niya nagagalit ka, nagre-react ka. So, ang ending ngayon hindi na magkukuwento 'yung bata. Paano siya mago-open up sa'yo kung hindi ka… hindi mo siya maintindihan.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Yasmien ang ilang parenting tips na napulot niya mula sa kaniyang sariling mga karanasan habang pinapalaki ng maayos ang anak niya sa kaniyang non-showbiz partner na si Rey Soldevilla.
Ayon kay Yasmien, “Kailangan intindihin mo siya na bakit nga ganun? Purihin mo siya kapag kailangan. Kailangan balanse. 'Pag kailangan mo sabihin sa kaniya na hindi maganda 'yung ginawa mo ganiyan, kailangan mo talagang sabihin at bakit or 'pag may ginawa ka, kailangan mo talagang i-explain bakit.”
“Saka hindi puwede 'yung sigaw ka lang ng sigaw the whole time. Kasi hindi naman puwedeng sumigaw, kasi masasanay 'yung bata kapag tanda niya. 'Pag wala pala sa harapan ninyo siya naman 'yung naninigaw ng iba kasi doon niya nire-release, akala niya 'yun 'yung tama. So I tried to be calm the whole time, dagdag pa niya.”
Pakinggan ang naging panayam ni Nelson Canlas kay Yasmien Kurdi sa link na ito:
Samantala, isa ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi sa lead stars ng GMA drama series na Start-Up PH.
Napapanood siya sa serye bilang si Ina Diaz, ang kapatid ng karakter ni Bea Alonzo sa programa.
SILIPIN ANG CHIC LOOKS NI YASMIEN KURDI SA GALLERY SA IBABA: