
Isang actress-host ang nawala sa character at tila tinamaan ng isang blind item.
Siya ang bida sa bagong topic ng Hula Who.
Ayon sa segment ng TiktoClock na Sikreto ng mga Borta, "Nagkaroon ng isang piging o celebration ang aktres na 'to. Hindi raw nila akalain na ganito ang nangyari."
Ipinakita sa skit na sinabi ng actress-host na mag-video muna siya ng handang lechon bago kumain ang kaniyang mga kasama sa programa. Pero matinding paghihintay ang nangyari sa mga co-host dahil sa daming kinukunan ng actress-host.
Sa gitna ng skit ay natatawa naman ang mga taong gumaganap dito na para bang kilala nila agad kung sino ito. Pati ang gumanap na actress-host ay hindi na mapigilan ang sarili sa pag-explain ng nangyari.
Para sa clue tungkol kay actress-host, "Sa pangalan niya ay may letrang B, as in babaeng maganda at babaeng wais."
Kilalanin kung sino si actress-host dito.
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.