
Isang batikang aktres na muntik na mag-walkout sa set ang latest na chika sa Hula Who.
Ayon sa latest and hottest chika sa Hula Who, "May kilala akong isang batikang aktres, ang chika from best actress, muntik na maging best in walk out."
Dugtong pa si chikang ito, "Kasi nga, pinakiusapan daw si aktres na magdala ng something super precious para sa kaniyang guesting.
Ayon sa skit na ipinakita sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, muntik na raw mahulog ang dinalang something super precious ni aktres.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, sinabing napakiusapan na lang si aktres.
"Buti na lang at napakiusapan si aktres na mag-stay. Kailangan naman itago ang PA na muntik nang makabasag ng something precious kaya biglang uminit ang ulo ng aktres."
Para sa clue sa latest chika na ito, "Sa pangalan niya may letrang I as in imbey [imbyerna] dahil super imbey daw ang batikang aktres."
Kilalanin si batikang aktres dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.