
Simpleng red bracelet sa unang tingin, ngunit may dala itong nakakakilabot na kuwento.
Ito ang ibinahagi ng isa sa mga aktres ng chilling horror film na Huwag Kang Titingin.
Sa kanyang panayam kasama ang GMANetwork.com, napansin ang kanyang suot na pulang bracelet sa black carpet look niya noong premiere night.
"Every family member meron nitong red band [o] bracelet. It's a symbol of siguro 'yung family namin, love that we have for each other," paliwanag niya.
Ngunit ang sweet na gesture ng kanilang pamilya ay tila may mas malalim na kahulugan para sa aktres.
"Medyo lapitin kami ng mga paranormal activities. For me, ito rin 'yung meaning nu'n. Kumbaga, they say na if you wear something red, hindi ka na lalapitan," pahayag niya.
Hindi lamang basta-basta ang kanilang pag-aalala, kaya suot nila ang naturang bracelet. Isa ito sa mga paraan upang mas maprotektahan ang kanilang sarili laban sa masasamang elemento o espiritu.
"Meron kaming story as a family where we really had to leave the house na tinitirhan namin for more than 10 years because medyo binabantayan 'yung daughter ko when she was young. Sabi ng may third eye na parang when she turns 14, baka kunin, mga ganoon," kuwento niya.
"So para lang for safety, whether it's true or not, di ba? Aside from prayers, of course, because they say red is something na kinakatakutan nila, that's why we wear red bracelet also. Aside from that, it's a symbol of our family. The love that we have for each other."
May hula ka na kung sino? Kilalanin kung sino ang aktres na ito sa online exclusive VIDEO DITO.
Samantala, huwag palampasin ang kakaibang horror experience ng Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide!