GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Beauty actress, may attitude?

Published June 27, 2025 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Alamin ang ginawa ni beauty actress na ikinagulat daw ng mga staff.

Isang beauty actress ang napabalitang nagpakita raw ng hindi magandang attitude sa kanyang PA.

Ito ang latest at hottest chika na pinag-usapan sa Salon De Chika sa TiktoClock.

Ayon sa bagong kuwento sa Salon De Chika, "Naloka raw sa kanya ang mga staff dahil sa ipinakitang attitude nito. May kinalaman ito sa PA niya."

Ipinakita sa kanilang makulit na reenactment na tila ayaw pasakayin ni actress ang kanyang PA sa kotse.

"Ang PA ay inutusan na lang na sumakay doon sa service na dati naman ay kasama niya."

Para sa clue sa latest chika na ito, nagbigay ang Salon De Chika ng isang letra sa kanyang pangalan.

"Sa pangalan niya ay may letrang M, as in maselan sa kotse."

Hulaan kung siya dito:

Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.