
Isang poging leading man ang muntik na raw atrasan ng kanyang leading lady sa eksena.
Ito ang latest at hottest chika na pinag-usapan sa Salon De Chika sa TiktoClock.
Ayon sa bagong topic ng Salon De Chika, "Poging leading man, ang chika, ayaw raw siya ka-kissing scene ng kanyang leading lady."
"Hindi raw talaga kinakaya ni leading lady ang power na taglay ng bibig ni leading man."
Saad pa sa latest scoop na ito, ang passionate scene, hindi raw kinaya ni leading lady dahil sa hininga ni leading man. Nag-request pa raw si leading lady na huwag na habaan ang kanilang kissing scene dahil hindi niya raw talaga kaya.
Para sa clue kung sino si poging leading man, sa pangalan niya ay mayroong letrang A.
Hulaan kung siya dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.