GMA Logo silhouette of talent manager, actress and a male interim manager
AI Generated Image
What's on TV

HULA WHO? Cryptic 'war' post, may kaugnayan kaya sa hiwalayan ng manager at primetime actress?

Published August 23, 2026 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

silhouette of talent manager, actress and a male interim manager


May “showbiz war” bang paparating?

“You want war, I will give you war.”

Iyan ang cryptic post ng isang showbiz columnist na sinasabing malapit sa kampo ng isang veteran talent manager, na ngayong araw ay muling pinag-uusapan sa showbiz circles.

Bagama't walang direktang pangalan o isyung binanggit sa post, naging palaisipan ito kasunod ng balitang naghiwalay na ng landas ang veteran manager at ang kanyang alagang primetime actress.

Matapos nito, isang kilalang personalidad sa industriya umano ang nilapitan ng isang taong malapit sa aktres para pansamantalang tumulong sa paghawak ng kanyang career bilang interim manager.

Dito na nagsimulang umikot ang mga tanong.

May koneksyon kaya ang cryptic post sa biglaang pagbabago ng management ng primetime actress?

Kung may bagong hahawak sa career ng aktres, magiging maayos kaya ang transition, o may tensyon bang maaaring sumunod sa paghihiwalay ng dating manager at talent?

Wala pang kumpirmasyon mula sa mga personalidad na sangkot tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang professional separation, at hindi rin malinaw kung ang naturang cryptic post ay may kaugnayan sa kanila.

Clues: Veteran talent manager. Primetime actress. Isang kilalang personalidad na posibleng tumayong interim manager. At isang cryptic post na nagsasabing, “You want war, I will give you war.”

Sino-sino kaya sila?