
Nagkagulo raw sa dressing room dahil sa nangyari sa isang funny actress.
Kwentuhan sa segment ng TiktoClock na "Sikreto ng mga Borta," "May nalaman akong sikreto tungkol kay funny actress. Nagkakagulo raw ang dressing room dahil sa kaniya. Nag-panic!"
Base pa sa tsismis na ito ng Hula Who, nag-panic ang lahat dahil sa nawawalang gamit ng funny actress.
"Kasi nga, habang pauwi na ang lahat ay bigla na lang siyang nag-panic—dahil parang may nawawala sa kaniyang gamit."
Ipinakita sa skit na todo panic si funny actress kaya nadamay ang mga kasama niya sa dressing room sa paghahanap sa kaniyang gamit.
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang A. As in aligaga... Naaligaga ang lahat sa dressing room.
Kilalanin kung sino si funny actress dito:
Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.
Related gallery: Mga celebrities na ninakawan