GMA Logo male silhouette with ghost kid
What's on TV

HULA WHO: Kapuso actor, naranasang mabuhat umano ng batang multo

By Kristine Kang
Published May 1, 2026 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MPL: Team Liquid no longer unbeaten as Team Falcons pulls off massive reverse sweep
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair

Article Inside Page


Showbiz News

male silhouette with ghost kid


Sino itong young Kapuso star na minulto noong five years old pa lamang? Alamin dito!

Kahit sino—bata man o matanda—ay maaaring makaranas ng kababalaghan.

Ito ang ibinahagi ng isang Kapuso actor tungkol sa kanyang nakakakilabot na karanasan noong kabataan.

Sa isang online exclusive ng GMANetwork.com, ibinahagi ng Huwag Kang Titingin stars ang kanilang personal na spooky experiences.

Isa na rito ang karanasan ng aktor noong siya ay limang taong gulang pa lamang, habang nagpapagaling sa lagnat at bulutong.

"Pagkakaalala ko noon, mag-a-araw ng patay noon. Basta gumising kami kasi nagsindi kami ng kandila ng hatinggabi. Tapos natulog ulit ako," ani ng Kapuso star.

Dahil nakakahawa ang kanyang sakit, piniling magpahinga siya nang mag-isa sa isang kuwarto.

Ngunit ang kanyang mahimbing na tulog ay biglang naantala ng isang hindi maipaliwanag na pangyayari.

"Nakahiga ako sa kama...nagising ako mga [bandang 3-5 a.m.], biglang tumaas 'yung kama. Nakahawak ako sa kama," sabi ng aktor.

Ayon pa sa kanya, tumayo ang kanyang higaan na parang eksena sa pelikula. Mas lalo pa siyang kinilabutan nang maramdaman niyang may kung anong puwersang nagbubuhat nito.

"Ta's ito pa. Alam mo ang weird? Alam kong bata 'yung nagbuhat. Sanggol na bata. Sobrang weird. Promise, 'yun nga 'yung weird. Bata na tumatawa," kuwento niya.

Sa matinding takot, agad siyang tumakbo papunta sa kuwarto ng kanyang pamilya. Noong una, inakala niyang panaginip lamang ang lahat. Ngunit nang magising siya sa higaan kasama ang kanyang mga magulang, doon niya napagtanto na totoo ang kanyang naranasan.

"Doon ko nasabi na, 'Totoo talaga na nagising ako.' Kasi 'pag biglang bumagsak ng malakas (ang kama), tumakbo ako papunta sa kanila. Tapos 'pag gising ko, nandoon ako sa gitna nila mama. Nahawaan silang lahat."

Sino kaya itong Kapuso star? Tingnan kung tama ang iyong hula DITO.