GMA Logo hula who
AI Generated Image
What's on TV

Hula Who: Gay content creator, yumabang na?

By Aedrianne Acar
Published April 21, 2026 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

JV Ejercito urges Bato to forego salary amid prolonged absence
Telco widens reach with lifestyle-driven promos
"Friendly flagdown" initiative aims to update vehicle plates

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Paalala ng sikat na social media star sa kapwa content creator: "Darating naman din talaga ang oras na sasampalin ka ng katotohanan."

You need some lessons about humility.

Ito ang topic sa Your Honor nang mapag-usapan ang isang gay content creator na nag-iba na raw ang ugali.

Natanong kasi ang isang content creator-turned-actress, “Sa mga baklang kanal na content creator, sino ang pinakayumabang?”

Napaisip ang TikTok star: “Pinakayumabang?”

Sumunod na paliwanag niya, “Hindi ko kasi talagang masasabing may kilala ako yumabang kasi lahat ng mga tropa ko content creator, like, 'yung close talaga hindi yumabang.”

“May mga natsismis ganiyan, pero hindi talaga yumabang. Ako na magsasabi.”

Patuloy niya, “Pero may mga iba akong kakilala na hindi ko naman naging chika, pero sabi daw nila yumabang. Well, 'yung alam mo 'yung napauwi, siya. Alam n'yo na yan. Medyo yumabang daw siya, 'DAW' ha hindi ko personal experience. ”

Sabat ng female host, “Wala akong maiko-comment. Pero siguro para sa 'yo, kung nage-gets mo 'to. Bukas po ang himpilan.”

Payo naman ng social media star sa yumabang na content creator, “Masasabi ko.... Kasi medyo bagets pa kasi si ano si ate, 'di ba? So, talagang dadaan talaga siya sa mga ganun eksena.

“Pero kung tipong yabang at yabang lang, 'di naman. Talagang pagdadaanan naman natin lahat yan.”

Umamin din ito na kahit siya ay dumaan sa stage ng controversial creator.

“Dumaan ako diyan. Nagkaroon ako ng phase na ang yabang-yabang ko, feeling ko ang taas-taas ko, feeling ko kakaiba ako. Ako lang 'yung nag-iisang 'one and only' ganiyan. Siyempre, darating naman din talaga ang oras na sasampalin ka ng katotohanan na: number one, you're replaceable; number two, may mas magaling sa 'yo.”

Panoorin dito: