
Isang hunk actor ang napapabalitang nag-attitude daw sa mga fans sa isang event, ayon sa latest chika sa Hula Who.
Ayon sa segment ng TiktoClock na Sikreto ng mga Borta, "May nalaman akong sikreto tungkol kay hunk actor. Ang tsismis, hindi raw happy 'yung mga fans niya kasi nagpakita siya ng attitude."
Saad pa sa tsismis na ito, "Habang nasa sports event ay bigla na lang daw dumating ang pretty girlfriend."
Ipinakita sa skit ng Sikreto ng mga Borta sa TiktoClock na wala sa mood magpa-picture si hunk actor. Samantala, si pretty girlfriend ay game na game naman na pagbigyan ang mga fans na gustong magpa-picture.
"Mas bata ang girlfriend ni hunk actor, kaya ang comment ng fans na gigil na gigil sa kanyang attitude, mukha raw silang mag-ama."
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang D, as in daddy, dahil sa totoong buhay ay isa na siyang ama at magaling na aktor."
Kilalanin kung sino si hunk actor dito.
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.