
May bagong kuwento ang Hula Who tungkol sa isang kontrabidang actress na bigla na lang nag-back out sa kaniyang project.
Ayon sa segment ng TiktoClock na 'Sikreto ng mga Borta,' "May nalaman akong sikreto tungkol sa isang kontrabida actress. Ang tsismis, bigla raw itong nag-back out sa isang project dahil may ayaw siyang gawing eksena."
Dagdag pa rito, ang chika tungkol sa intense confrontation scene ng kontrabida actress.
"Kasi nga may matinding confrontation scene daw dapat si kontrabida, pero hindi niya keri 'yung eksena. Ayaw niya."
Sa ipinakitang skit ay ayaw magpasampal ng kontrabida actress sa eksena, kaya naman gigil na gigil si direk sa kaniya. Napag-alaman ding iniiwasan daw niyang matamaan ang kaniyang ilong dahil mahal ang pagawa rito.
"Ang ending, nag-back out na lang daw talaga siya dahil hindi puwedeng matamaan ang nose."
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang N, as in not the nose dahil hindi niya raw talaga kayang patamaan ang kaniyang pinagawang ilong."
Kilalanin kung sino si kontrabida actress dito:
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.