
Para sa latest na topic sa Hula Who, isang poging aktor raw ang usap-usapan ngayon dahil sobra raw sa pagiging playboy.
Ayon sa segment ng TiktoClock na "Sikreto ng mga Borta," "May nalaman akong sikreto tungkol kay poging aktor. Ang tsismis daw ay ang pagkaka-playboy daw nito. Sobrang playboy daw."
Pagpapatuloy ng kuwentong ito, "Nagpa-party sa isang resort. Ang nangyari, nalasing."
Ipinakita naman sa skit ng "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock ang nangyari sa isang resort. Ayon dito, si poging aktor ay lasing sa party at pinapa-chill dahil baka magalit ang ka-date nitong beauty queen.
Pero chika ni poging aktor na lasing sa resort, gusto niya ang mga beauty queen dahil may title at para may challenge.
"Nangongolekta raw talaga ito ng mga beauty queen, kaya bet na bet niya kapag may title."
Para sa clue sa tsismis na ito, "Sa pangalan niya ay may letrang K, as in killer smile. Mukha raw matinik 'to sa mga beauty queen."
Kilalanin si poging aktor dito:
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.