
Isang poging performer na may na-turn off daw na fans ang bagong huhulaan sa "Hula Who."
Base sa latest and hottest chismis ng "Salon De Chika" sa TiktoClock, may nasaksihan daw kasi ang fans ni poging performer.
"Naloka raw ang kanyang mga fans sa nasaksihan nila. Natiyempuhan ng fans ang kanilang idol na nagpe-perform sa isang beach resort. Noong nag-attempt silang mag-picture, ito ang kanilang nakita."
Ipinakita sa skit ng "Salon De Chika" na napansin ng fans na malambot daw na parang binabad sa fabric conditioner si poging performer.
"Na-turn off daw ang mga faney dahil mega hopia sila na tunay ang pakilig na hatid ng kanilang idolo."
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang T, as in this guy is in love with you pare."
Kilalanin si poging performer dito:
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.