GMA Logo Hula Who Kulam
What's on TV

Hula Who: Popular actress-host, kinukulam ng isang kaibigan?

By Aedrianne Acar
Published February 10, 2026 12:12 PM PHT
Updated February 12, 2026 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

North Korea says nuclear capability will be updated steadily, KCNA reports
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who Kulam


Ramdam agad ang 'Gabi ng Lagim' sa kababalaghan story ng isang sikat na celebrity nang mag-guest ito sa isang podcast!

May kababalaghan na natuklasan ang isang sikat na actress at TV host nang bumisita siya sa isang probinsya sa parte ng Visayas kamakailan.

Sa kanyang panayam sa isang podcast, kinuwento ng dating teen star na may nalaman siya na ginagawa sa kaniya matapos daw niya magpagamot.

“May mga healing, healing sila dun, nagpausok ako dun.” Sabay sabi ng mestiza beauty, “Yes, nagpausok ako. Sabi niya sa akin, 'May nagkukulam daw sa akin.'

Ikinagulat ito ng dalawang host ng naturang podcast.

Dagdag niyang kuwento, “Oo nga, [chineck] niya 'yung daliri ko, hindi pantay. May ginawa siya dito [holding her back], parang may binulong siya, ewan ko.”

Matapos daw siya gamutin, sinabi niya, “Pumantay nga 'yung daliri ko.” Nang tanungin siya kung sino ang kumulam sa kaniya. Sumunod niyang ibinahagi, “Hindi ko alam, sabi niya lang, may someone raw parang may inggit, it's either kaibigan or someone raw na parang medyo or either someone na kakilala ng malapit sa akin.”

Alamin ang Hula Who story ng sikat na actress-host sa video below!

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Actresses who starred in television horror specials