
Mukhang kailangan mag-focus ng isang pretty actress sa kanyang acting workshop na siyang bida sa ating Hula Who for the day.
Ang blind item natin ay courtesy ng disk jock at showbiz insider na si DJ JhaiHo na naging resource person nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor.
Napakamot nang ulo si JhaiHo na marinig ang kuwento ng magandang aktres na kapos ang talent sa pag-arte.
Lahad niya sa House of Honorables, “Ang blind item natin ay si girl--- fresh, ang ganda ng face ganyan. Perfect, ang ganda!
“Tapos, maganda talaga, panalo! Tapos busy-busy palagi sa cellphone, kaka-TikTok. Ngayon, may veteran actress 'tapos siyempre sa showbiz, even 'yung mga staff mismo talagang nagkakamot ng ulo, 'Ate, ano ang ginagawa mo? Bakit ganun?' Waley talaga!”
Umabot pa sa punto na nakiusap ang production sa makaka-eksena nitong veteran actress na pakialalayan ang naturang female celebrity.
“Winorkshop na 'yan ha. [Waley ang] acting ganiyan. E, 'yung veteran actress buti na lang mabait. Kinakausap ng prod 'yan parang, 'Oh, Miss ganito ah, pakialalayan na lang.'
“Buti na lang si veteran actress kahit papaano nakikinig pa dun sa pakialalayan. E sa totoong buhay hindi na naman dapat. Kasi, di ba 'pag binayaran ka, na-call ka sa isang show, pagdating mo dun magdeliver ka!
“Yun talaga 'yung training sa atin 'di ba, wala kaming keber.”
Sabat naman ni Vice Chair Buboy, “Aralin mo 'yung sarili mong script.”
Pagpapatuloy ni JhaiHo, “Kung may pinagdadaanan ka man, magsabi ka na sa prod. Pero hindi 'yan dapat makaapekto, kasi ang mahal ng ginagastos sa isang production.
“Kaya 'pag nasa harap na tayo ng camera, hinga nang malalim, iba na 'to. Work na 'to.
“Si Ate raw waley na waley talaga, as in hindi raw talaga nakukuha 'yung gusto ni direk, ganyan. Tapos, si veteran actress daw talaga [sabi], 'Direk, nagbigay na po ako, tinodo ko na po,' na para bang kasalanan pa ni veteran actress.”
Sino ang pretty actress na waley ang talent at kailangan ng matinding workshop?
Alamin sa Hula Who ni DJ JhaiHo sa Your Honor!
Balikan ang episode kung saan pinag-usapan nila ang blind item DITO.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now