GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: TV personality, na-bad trip sa event?

Published October 14, 2025 3:58 PM PHT
Updated October 14, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Hulaan kung sino si TV personality at bakit siya na-bad trip sa isang event.

Isang TV personality ang napabalitang na-bad trip sa dinaluhan na event.

Ito ang latest at hottest chika ng Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May kilala ako, isang TV personality, ang chismis, medyo na-bad trip daw ito noong mag-guest sa isang event."

Dugtong pa sa bagong chika na ito, "Ang TV personality na ito ay out and proud. Member siya ng LGBTQIA+ community at may eksena noong tatawagin na siya sa stage."

Ayon sa skit ng Salon De Chika, tila na-bad trip si TV personality dahil sa hindi sigurado ang staff kung ano ang itatawag sa kanya.

"Kinabahan nga itong staff dahil nag-iba raw ang tingin sa kanya ng TV personality."

Para sa clue, "Ang pangalan niya ay may letrang E at A, as in Eba't Adan, dahil nalilito ang mga tao kung tatawagin ba siyang Eba or Adan."

Kilalanin si TV personality sa video na ito:

Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.