GMA Logo Hula Who
What's on TV

Hula Who: TV actress, sinagot ang tsismis na konektado sa money laundering ang asawa

By Aedrianne Acar
Published October 14, 2025 1:32 PM PHT
Updated October 14, 2025 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who


Totoo bang billionaire at may ari-arian sa China ang asawa ng sikat na TV actress?

"Hindi ganun ang asawa ko."

Ito ang diretsahang sagot ng isang TV actress sa mga sinasabi ng tao tungkol sa kanyang non-showbiz husband.

Sa naging guesting niya sa isang vodcast, nilinaw niya ang mga maling impormasyon tungkol sa mister na pinakasalan niya noong 2021.

Binigyan diin ng aktres na hindi konektado sa money laundering ang asawa at hindi rin daw ito billionaire.

“Nakakatawa kasi ang daming comment ng mga tao na parang ''yung asawa ko raw nasa money laundering,' ganyan. Oo! Tapos sinasabi pa na multi-billionaire, ganyan, may mga hotels daw sa China.

“Alam mo ba, naisip ko lang [kapag] Chinese ang asawa mo or partner mo parang feel nila agad na may ari-arian sa China. 'Pag Chinese agad ganun, pero hindi! Walang helicopter ˈyung asawa ko, walang mga yacht. Hindi ganun ang buhay niya.”

Paglilinaw pa niya, “Nasa food business siya, chef siya ng company nila, pero family business siya. So, sila rin ang may-ari.”

RELATED CONTENT: Meet Kris Bernal's husband, Perry Choi