
Isang veteran actress ang sinasabing may pagka-sales lady raw sa likod ng camera.
Ayon sa latest and hottest chika sa Hula Who, ito ay dahil lagi raw ibinibida ni veteran actress ang mga anak sa mga direktor at producers.
Ayon sa chika mula sa Salon De Chika sa TiktoClock, "May kilala akong isang beteranang aktres, ang chika, may pagka-sales lady raw ito.
"Wala na raw ganap ang mga anak niya na celebrity rin. Kaya more more ibinebenta niya ito sa mga producers."
Sa skit na ipinalabas sa Salon De Chika, ipinakita na kinakausap ni beteranang aktres ang mga direktor at producer para sa posibleng project ng mga anak.
Sa talent fee naman natapos ang usapan dahil mababa raw.
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang L, as in loving nanay, dahil baka concerned lang siya sa mga anak niya kasi nga mga wala na talagang trabaho 'yung mga celebrity junakis."
Kilalanin si singer-actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.