
Isang young actress, napapabalitang mayroon daw problema!
Ang kuwento tungkol sa young actress na ito ay napanood sa latest at hottest chika ng Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May kilala akong isang young actress, ang chismis, mayroon daw itong lumalaking problema at lately nahihirapan na siyang itago ito."
Kuwento pa rito ay galing sa bakasyon si aktres, "Medyo matagal na raw itong nagbakasyon, balita ko sa Boracay. More more lafang ang aktres, ganito ang nangyari."
Ayon sa skit ng Salon De Chika, hindi na magkasya ang mga damit ni aktres sa taping. Mapagalitan na raw si aktres ni direk dahil hindi makahinga sa eksena.
"Na-delay ang taping dahil kailangang tahiin ang damit."
Para sa clue sa latest chika na ito, "Ang pangalan ng young aktres ay may letrang O."
Kilalanin ang young actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.