What's Hot

Huling eksena para sa 'DOTS Ph,' nakunan na!

By Dianara Alegre
Published September 17, 2020 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate Blue Ribbon committee resumes its hearing on anomalous flood control projects (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

DOTS Ph cast members


Ibinahagi ni Rocco Nacino ang ilang mga pagbabago sa 'new normal' taping ng DOTS Ph. May kissing scenes ba tayong aabangan?

Nakunan na ang mga huling eksena para sa award-winning series na Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) at nagawa ito sa loob ng 10 araw na lock-in taping na natapos kamakailan.

Ayon sa isa sa mga lead characters nito na si Kapuso hunk Rocco Nacino, nanibago siya sa protocols na ipinatupad sa kanilang “new normal” taping na bunsod ng COVID-19 pandemic.

Rocco Nacino

Rocco Nacino / Source: nacinorocco (IG)

“It was kind of hard to maintain social distancing kapag may lumalapit.

“Bawal lumapit, bawal magtanggal ng mask,” aniya nang kapanayamin ng 24 Oras.

Mayroon ding mga pagkakataon na nakaramdam umano siya ng kaba noong kailangan nang mag-alis ng mask para sa mga eksena.

“May ganu'ng takot din but everything was smooth,” dagdag pa niya.

Pagdating naman sa mga eksena na originally ay kissing scenes, sinabi ni Rocco na iniwasan ito ngunit pinalitan ng nakakakilig ding tagpo.

“'Yung mga eksena siguro…sa mga kilig scenes namin dinaan sa yakap. 'Yun na 'yung pinaka-extent. But gayunpaman, ginawa ng direktor namin in a way na 'yung man 'yan o tinginan lang, sobrang nakakakilig. Talagang babad,” lahad pa ng aktor.

Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak iyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito. Thank you Wolf, talagang minahal ko ang pagganap sa character mo, dahil sayo kaya ako naging isang Navy Reservist. The tears weren't for the last taping day, it was all for the blessings that came because of the show. Now we sit back and wait, sabik ako makita ang produkto ng pinaghirapan namin ng isang taon. Thank you to everyone involved in this show, Thank you @gohingmelissa sa pagunawa sa work schedule ko, Thank you @gmanetwork for trusting in me, Thank you mga Kapuso sa pagmahal ninyo sa lahat ng karakter namin, and Thank you @actor_jingoo for doing a damn good job as Wolf that got me to be part of this project. Salute! This is Technical Sargeant Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished! Abangan ang Descendants of the Sun: The Philippine Adapatation, soon on GMA Telebabad. #Wolf #DescendantsOfTheSunPh #DotsPh

Isang post na ibinahagi ni Rocco Nacino (@nacinorocco) noong

Samantala, ngayong tapos na ang taping para sa DOTS Ph ay mapagtutuunan na ni Rocco nang husto ang pagpapagawa ng kanyang dream house.

“Sabi nila, hindi nila gusto ang year 2020, ako, iniisip ko na blessing pa rin siya kasi kine-claim ko na ito 'yung taon na matatapos ko na 'yung dream house ko,” aniya.

Ibinahagi rin niya na sa ilang buwang pagtatayo ng kanyang bahay ay natuto siyang mas pahalagahan ang mga bagay na kailangan niya kaysa sa mga gusto o luho lang niya.

“Araw-araw bumabiyahe ako du'n para i-oversee kung ano 'yung mga kulang pa, 'yung mga hindi ko talaga kailangan. Kasi tulad nu'ng bumili ako ng parang arcade machine, hindi ko naman talaga kailangan 'yon.

“Mas gusto ko bumili ng extra pinto o kaya inidoro. 'Yung mga ganu'ng bagay. Kung ano talaga 'yung mga kailangan ko at hindi 'yung gusto. Magandang journey para sa akin,” sabi pa ni Rocco.

Muni muni sa bahay. Napapaisip dahil cases are going up again. Kaya pinapaalala ko sa mga Kapuso natin, nandito pa rin ang kalaban natin na hindi nakikita. Alagaan ang kalusugan, at protektahan ang sarili. Maghugas lagi ng kamay at imaintain ang social distancing. On a lighter note, new Vlog is up! CARPINTERO ako for a day! Nako, kinaya ko kaya? Link of my new video in my Bio! #StaySafeEveryone

Isang post na ibinahagi ni Rocco Nacino (@nacinorocco) noong