
Kaabang-abang ang istorya ng GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso dahil malalaman na ni Jack (Leandro Baldemor) ang tinatagong sikreto ni Doris (Michelle Aldana).
Sa kasal nina Jack at Doris, sinabi na ni Olive (Claire Castro) sa kanyang ama na si Doris ang may kagagawan kung bakit sila nagkahiwahiwalay noon.
Ngayong alam na ni Jack ang totoo, maniwala kaya siya sa kanyang anak na si Olive? O itutuloy niya ang kasal kay Doris?
Panoorin ang huling linggo ng Nakarehas Na Puso, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Unica Hija.
SAMANTALA, ALAM NIYO BANG MARAMING BABAE ANG TUMITILI KAY LEANDRO NOON? BALIKAN ANG ILAN NIYANG LUMANG LARAWAN DITO: