
Horror feels ang inihanda ng Family Feud para sa "Summer Tawa, Summer Saya" Tuesday.
Ngayong April 14, magpapagalingan ang cast ng GMA Pictures and Mentorque's latest film na Huwag Kang Titingin.
Sa Team Huwag Kang Titingin, maglalaro sina Sofia Pablo at Allen Ansay at teen idols na sina Charlie Fleming at Josh Ford. Sila ay mapapanood sa Huwag Kang Titingin bilang mga estudyanteng nag-imbestiga ng rural town's legends.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, sa Team Umaaligid naman maglalaro ang moms and 1990s actresses na sina Sherilyn Reyes at Bernadette Allyson. Sasamahan pa sila ng social media stars na sina Abdul at Marsyyy. Ang kanilang team ay ipinangalan sa isang malicious entity na nagising ng mga estudyante.
Saksihan ang exciting showdown at makisaya sa cast ng Huwag Kang Titingin, ngayong Martes, April 14, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud.
Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.