
Muling matutunghayan sa telebisyon ang unang kwento mula sa first season ng hit GMA Telebabad miniseries na I Can See You na pinamagatang "Love on the Balcony."
Pagbidahan ito nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Mapapanood muli ang I Can See You: Love on the Balcony simula January 1, 2024 hanggang January 5, 2024 via GMA Afternoon Prime. Orihinal itong pinalabas noong September 28, 2020 hanggang October 2, 2020.
Tungkol ang mini-series kay Iñigo (Alden), isang wedding photographer na na-in love sa frontliner nurse na si Lea (Jasmine) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Parte rin ng 'Love on the Balcony' sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.
Muling ipapalabas ang I Can See You: Love on the Balcony simula Lunes, 4:05 p.m. pagkatapos ng Stolen Life sa GMA at Pinoy Hits.
Mula ito sa direksyon ni LA Madridejos.