
Muling matutunghayan ang ikatlong kuwento mula sa second season ng hit GMA Telebabad miniseries na I Can See You na pinamagatang "The Lookout."
Pagbidahan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk Paul Salas, at renowned actor Christopher de Leon.
Mapapanood muli ang I Can See You: The Lookout simula December 25 hanggang December 29 via GMA Afternoon Prime. Orihinal itong pinalabas noong April 19, 2021 hanggang April 23, 2021.
Tungkol ang mini-series kay Emma (Barbie), ang magician assistant na nagdesisyong kumapit sa patalim para makahanap ng perang ipangtutustos sa medical bills ng kanyang may sakit na kapatid.
Dahil wala nang ibang maisip na paraan na pagkukunan ng pera, pumayag si Emma na maging kasabwat at lookout sa plano ng kababata na pagnakawan ang pamilya Penuliar, ang mayamang pamilyang nakatira sa village malapit sa squatters area na kanilang tinitirhan.
Laking-gulat na lamang ng magpinsan nang pagpasok sa bahay ng mga Penuliar ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na kasambahay ng mga ito.
Parte rin ng “The Lookout” sina Adrian Alandy, Arthur Solinap, Marina Benipayo, Elijah Alejo, Ella Cristofani, Luis Hontiveros, Jana Trias, at Benjie Paras.
Muling ipapalabas ang I Can See You: The Lookout simula Lunes, 4:05 p.m. pagkatapos ng Stolen Life sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Muli ring ipapalabas ang isa pang kuwento ng I Can See You na “On My Way To You” na mapapanood mula January 1 hanggang January 5.