
Sa ikalabing-isa at huling linggo ng I Hear Your Voice, mareresolba na lahat ng pinagdaanan ni Hayley at Zach.
Nagkaharap na muli si Zach at si Matias, at utulad ng kaniyang plano, binubuyo ni Matias si Zach upang patayin siya. Ngunit salamat sa paalala ni Hayley sa kaniya, at pati na rin sa kaniyang pag-obserba sa mga kilos ni Matias, napagtanto ni Zach na buhay pa si Hayley, taliwas sa sinasabi ni Matias.
Dahil sa pagkabigong maitulak si Zach tungo sa kasamaan, pinagtangkaan ni Matias na patayin ang binata. Mabuti na lamang at may nakaantabay na mga pulis na siyang nagligtas sa buhay ni Zach. Dahil nararamdaman niyang wala na siyang matatakbuhan, hinayaan na ni Matias na basahin ni Zach ang kaniyang isip upang malaman ang kabuuan ng kaniyang kuwento.
Muli na namang mahaharap sa korte si Matias Min, at muli na naman nitong pinili bilang abogado si Robert. Ganunpaman, tanggap ni Robert na wala siyang magagawa kung siya ang ipinipilit ni Matias, kung kaya tinanggap niya ang kaso nito. Si Hayley naman, naiintindihan kung bakit inako ni Robert ang kaso ni Matias, kahit pa mapait ang naging karanasan niya rito.
Kahit nasa kamay na ng batas si Matias Min, hindi pa rin tumitigil ang mga sagabal sa buhay ng binata. Pinadalhan siya ng subpoena ni Doreen para sa kasong attempted murder, bungad ng pagbunyag ni Matias na siya ang sumaksak kay Hayley noong nakaraang taon. Napilitan tuloy si Hayley na aminin kay Robert na kaya siya nasaksak ni Zach ay dahil pinigilan niya ang binata bago nito mapatay si Matias.
Sa paghaharap nila ni Doreen, naging diretso ang mga sagot ng binata sa prosecutor. Ipinaliwanag ni Zach na wala siyang planong patayin si Hayley ng aksidente niya itong masaksak, at habang binabasa ni Zach ang utang ni Doreen ay nadiskubre niya na panig sa kaniya ang prosecutor.
Pagkatapos ng lahat ng kanilang pinagdaanan, hindi na napigilan ni Hayley ang kaniyang damdamin. Sa isang bugso ay ipinaalam niya sa binata na mahal niya ito, at humingi ng kapatawaran kung nabalewala man niya ang binata. Pagkatapos malaman na hindi na haharap sa korte si Zach para sa attempted murder, nahimasmasan si Hayley at tinangkang bawiin ang kaniyang mga sinabi, pero hindi mapipigilan ang pag-ibig.
Dahil sa pagpanig kay Zach, nahaharap sa imbestigasyon si Doreen, bagay na ayaw niyang maging parte si Hayley. Gayunman, hindi naman kinalimutan ni Hayley na magpasalamat para sa pagpanig ni Doreen kay Zach, kahit na ang pagpapasalamat nito kay Doreen ay may bahid ng pagiging sarkastiko.
Ngayong nalalapit na ang pagdinig sa kaso ni Matias Min, merong kaunting panahon ng katahimikan para kay Zach at Hayley, na siya namang naging daan para mas lalong lumalim ang pagkakakilala nila sa isa't isa at mas lalong payabungin ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Kahit may pag-aalinlangan pa rin, patuloy pa rin ang pagtitiwala ng dalawa sa pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa.