
Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang timeless heartthrob na si Ian Veneracion sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, June 7.
Isa sa mga tanong ng tinaguriang King of Talk para sa guest celebrity ay patungkol sa panliligaw, partikular kung bakit hindi siya nanligaw ng kapwa artista.
“Kasi na-imagine ko kung gaano kahirap na maging serious relationship, you know, parehong artista because of the lack of privacy and stuff. So wala lang, hindi na ako nanligaw ng artista,” sagot ng celebrity dad.
Ikinasal si Ian sa kanyang non-showbiz wife na si Pam Gallardo noong 1997 at mayroon silang tatlong anak na sina Draco, Deirdre, at Duccio.
Masaya ring nagkuwento si Ian tungkol sa kanyang ama na si Roy Veneracion. Ayon sa batikang aktor, laging may oras ang ama niya para sa kanya.
“Anytime pupunta ako sa kanya. Never siyang magsasabi na 'don't bother me' or 'I'm busy.' No. He's very accommodating. Growing up maaga kong na-realize, compared to my classmates, I was so lucky because my dad was at home everyday. I can play with him anytime, I can talk to him anytime because he was a painter. He's still a painter, everyday he paints. That's his life talaga.
“Kapag makulit lang ako, bibigyan niya ako ng canvass and give me a brush and some paint so I could paint while he's painting. And I appreciate all those things, 'yung availability niya,” pagbabahagi niya.
Kuwento pa ni Ian, tulad ng kanyang ama, palagi siyang mayroong oras para sa kanyang mga anak.
Patuloy niya, “I actually enjoy it also kasi hindi ako napipilitan. I actually enjoy it. And also, kung kunwari may ginagawa lang ako, I have to find a nice way to say, 'Okay, I'm interested in what you're saying, but let me just finish this so that I can give you my full attention. If that's okay'”
Dagdag pa ni Ian, natutunan niya ang ganitong response mula sa kanyang panganay na anak na si Tristan Draco.
Subaybayan ang Fast Talk with Boy Abunda tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa Kapuso Stream.