GMA Logo Ice Seguerra, Sitti
Celebrity Life

Ice Seguerra, Sitti sa papel ng musika sa kanilang buhay: It's just not about entertainment

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2026 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Polomolok to enforce speed limits to curb road mishaps
PSE Q1 net income up 50%
Here are the affected areas of rotational brownout on May 15

Article Inside Page


Showbiz News

Ice Seguerra, Sitti


Paano nga ba nakakatulong ang musika kina Ice Seguerra at Sitti? Alamin dito.

Bilang mga musikero, mahalaga ang musika para kina Ice Seguerra at Sitti. Sa katunayan, ayon sa dalawang mang-aawit, ito ang nagiging paraan nila minsan para masabi ang mga bagay na hindi kaya ng salita lamang.

“Ako, Tito Boy, music is not just about entertainment. I think music, ito 'yung paraan din natin na masasabi natin 'yung nararamdaman natin through music kasi 'di ba ang music, tama sa puso, diretso 'yan, e,” sabi ni Ice nang bumisita sila ni Sitti sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 14.

Pagpapatuloy pa ng Acoustic Hitmaker, sa mga kanta talaga tunay na nalalabas ng mga Pilipino ang kanilang nararamdaman.

Para naman kay Sitti, sa musika siya kumakapit kapag may matinding emosyon na nararamdaman.

Ngunit paglilinaw niya, “Hindi tamang sabihin sa panahon ngayon mag-e-escape tayo into the music kasi talagang hindi na, e. This is not the time to just let things happen na wala kang gagawin.”

KILALANIN ANG POWERHOUSE KAPUSO SINGERS SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ng dalawang mang-aawit, kahit sa mga isyu ng bansa ngayon ay may mga kantang naisulat sila.

“Before, I wrote something about -- years ago pa, Tito Boy. Nakakatawang isipin 'yung nasulat kong kanta, ang title is 'Lupang Pinangako.' Pero that was written siguro more than 10 years ago,” sabi ni Ice.

Ayon pa sa singer, hindi naman tungkol sa mga isyu ngayon ang sinulat niya noon. Ngunit aminado siyang walang pinagbago ang mga frustration na nararamdaman niya noong isulat niya ang awitin at sa nararamdaman niya ngayon.

“Kung ano 'yung nag-inspire sa akin—the frustrations I felt —kaya ko nasulat 'yun, parang, 'Dude, ganu'n pa rin?'” sabi ni Ice.

Samantala, isang awitin naman ang nasulat nina Sitti at ng iba pang songwriters noong nag-element songwriting camp sila noong 2013, kung saan nagpunta sila sa Dumaguete pagkatapos ng Bagyong Yolanda.

“There was so much sadness, there was so much death that could've been prevented. And then, ito 'yung tanong ko lagi, 'Tuwing may sakuna sa bansa natin, bakit hindi tayo mas-prepared? Bakit hindi tayo natututo?'” sabi ni Sitti.

“So nu'ng nandu'n kami sa Dumagete, we wrote this song. Hindi na namin alam kung ano ang gagawin, we resorted to music at that time when we were there on an island,” pagpapatuloy ng Bossa Nova Queen.

Maging sa sakit na naramdaman nila noong pumanaw ang kanilang mga ina, sa musika tumakbo sina Ice Seguerra at Sitti.

“Release. It's release, it's saying the things that you can't say. ''Yung parang minsan wala kang words talaga e, only the music will say that,” pagbabahagi ni Sitti tungkol sa papel ng musika sa pagharap sa pain.

Panoorin ang panayam kina Ice at Sitti dito: