GMA Logo abot kamay na pangarap
Courtesy: GMA Network and Gideon Hidalgo (TikTok)
What's on TV

Iconic gesture ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' viral sa social media; ni-remake ng netizens Inbox

By EJ Chua
Published August 5, 2023 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Pagsungkit ng pangarap ni Analyn sa #AbotKamayNaPangarap, trending online!

Ang medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ay patuloy na nangunguna sa TV ratings.

Ngunit bukod dito, patuloy ding pinag-uusapan at nagte-trending ang serye at mga karakter nito.

Viral ngayon sa social media ang iconic gesture ng drama series, kung saan makikita sina Heart Ramos at Jillian Ward na tila sumusungkit ng pangarap.

Ilang netizens ang naaliw dito at ilan sa kanila ay ni-remake pa ang naturang gesture.

Iba't ibang gimik ang ginawa ng netizens, ngunit karamihan sa kanila ay ginaya ang gesture nang maabot nila ang kanilang mga pangarap.

Isa sa pinakapinusuan ng netizens ay ang entry ni Gideon Hidalgo.

Matapos ang ilang taon na pagsisipag sa isang medical school, isa nang doktor si Gideon.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3.3 million views ang TikTok video ni Gideon, kung saan mapapanood na tulad ni Doc Analyn (Jillian Ward), nangyari ang pangarap niyang maging doktor.

@letsgideon

Para sa mga magulang kong adik sa Abot Kamay na Pangarap. Hahaha.

♬ original sound - letsgideon

Napapanood si Jillian Ward sa serye bilang ang pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn Santos.

Siya ay nagsisilbing inspirasyon ngayong sa napakaraming viewers at netizens.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: