
Ibinahagi ng ilang Kapuso stars at personalities ang kani-kanilang New Year's Resolutions sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (January 7).
Sa “Sabeh?!?” segment ng programa, isa sa mga natanong nina Boobay at Tekla tungkol sa New Year's Resolution ay ang Kapuso actor at host na si Jayson Gainza.
“Mas aagahan ko pa ang paggising, mas magiging mabilis pa 'yung pagkilos ko,” sagot niya.
Ayon naman kay Ashley Ortega, ang pagiging mas fit at healthy ang kanyang New Year's Resolution.
Aniya, “To be more fit [and maging] healthy kasi medyo nagka-laman ako. This 2024, gusto ko i-try 'yung juicing, mga detox, yoga, meditation. To take care of myself more.”
Ibinahagi rin ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Wacky Kiray ang kanilang New Year's Resolution ngayong 2024.
“[Ang] New Year's Resolution ko [ay] maging matipid na ngayon,” pagbabahagi ni Donita.
Samantala, “maging healthy living” ang New Year's Resolution ni Wacky Kiray.
“Kasi mahilig ako sa mga meat tapos lagi lang akong nakatambay sa bahay so ngayon magbabalik-alindog na ako. Magwu-workout,” aniya.
Bukod dito, nakisaya ang actress-dancer na si Rochelle Pangilinan kasama ang comedy duo at isang veteran fortune teller mula Quiapo, Manila ang kanilang na-prank sa segment na “Na-TBATS Ka!”
Ano kaya ang naging reaksyon ng fortune teller na ito? Alamin sa video sa ibaba.
Patuloy na tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.