GMA Logo Cong TV, Team Payaman
Courtesy: Unang Hirit
What's Hot

Impersonator ni Cong TV, nagbigay saya sa 'Unang Hirit'

By EJ Chua
Published November 7, 2024 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Cong TV, Team Payaman


Kinaaliwan ang impersonator ni Cong TV sa 'Unang Hirit.'

Isang funny guest ang napanood sa latest episode ng longest-running GMA morning show na Unang Hirit.

Nakasama ng Unang Hirit host na si Kaloy Tingcungco si Dudut, isa sa members ng Team Payaman na napapanood din ngayon sa Lutong Bahay.

Sa pagkikita nina Kaloy at Dudut, nasorpresa ang huli dahil isang bisita pa pala ang kanilang makakasama.

Labis na naaliw si Dudut nung makaharap niya ang impersonator ng kaibigan niyang si Cong Velasquez na kilala rin bilang si Cong TV.

Napanood sa programa na ganap na ganap ang Cong TV ng Angono, Rizal na si Jao Kevin Bernardino sa paggaya sa sikat na vlogger.

Game na game niya ring sinagot ang mga tanong nina Kaloy at Dudut tungkol sa mga kaganapan sa buhay ni Cong.

Nabanggit pa niya ang katatapos lang na gender reveal party nina Cong TV at asawa nito na si Viy Cortez.

RELATED GALLERY: Cong Velasquez and Viy Cortez's baby no. 2 is a girl

Kasunod nito, habang sila ay nagkukwentuhan ay nagtulung-tulong sila sa pagluluto ng Pata Tim.

Samantala, mapapanood ang Lutong Bahay, mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m., sa GMA.