What's on TV

Impersonators nina BINI Maloi, Snoop Dogg, at Super Tekla, pasok sa grand finals ng 'Kalokalike Face 4'

By Kristine Kang
Published November 19, 2024 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

BINI Maloi, Snoop Dogg, at Super Tekla impersonators


Pasok na sa ultimate face off ang “Kalokalike” contestants na sina BINI Maloi, Snoop Dogg, at Super Tekla.

Nagsimula na ang star-studded labanan ng impersonators sa patok na segment ng It's Showtime, na "Kalokalike Face 4."

Nitong Lunes (November 18), mainit na kagad ang kompetisyon sa pagitan ng anim na semifinalists para makapasok sa ultimate face-off ng segment.

Todo energy ang bumungad sa madlang Kapuso noong nagpakitang gilas sa dance floor ang Jackie Gonzaga ng Las Piñas City. Sinundan pa ito ng galing sa pag-basketball at pagsayaw ng Jordan Clarkson impersonator mula sa Mandaluyong City.

Cutsey at good vibes naman ang dala ng BINI Maloi ng Cagayan De Oro nang sinayaw niya ang kanta ng girl group na "Da Coconut Nut."

Nadagdagan din ang kulitan at good vibes nang bumalik sa Face-off stage ang Super Tekla ng Zamboanga Del Norte. Marami ang naaliw sa kanyang banters kasama si Vice Ganda at ang iba pang hosts.

"Hello?" sabi ng Tekla impersonator noong hindi gumana ang mic.

"['Yung ulo mo] ang tuktukin mo. 'Yung mic dito ang sira," asar ni Vice.

Natawa ang lahat nang sinunod talaga ng impersonator ang utos ng Unkabogable star. Sabay pa niya biniro, "Wala kaming yelo."

Hindi rin nagpahuli sa tawanan at bardagulan ang Snoop Dogg impersonator mula sa Tondo, Manila. Tila nahihirapan ang contestant sa pag-Ingles kaya't madalas napapasalita siya ng Tagalog.

"Snoop, say hi to your fans," sabi ni Vhong Navarro

"Salamat-oh!" reaksyon ng contestant.

"You speak Tagalog?" biro ni Vhong.

"He learns fast," palusot ni Ogie Alcasid.

Naghandog naman ng kilig sa face off stage ang “Kalokalike” contestant ni Piolo Pascual ng Bataan. Isa siya sa mga pinuri ng mga host dahil sa pagkahawig niya talaga sa aktor.

Sa huli ng kanilang face-off, nagwagi ang impersonators nina BINI Maloi, Super Tekla, at Snoop Dogg dahil sa mataas nilang score galing sa mga hurado at madlang audience.

"Ang tatlo na makakakuha ng mataas na average score ay makakatanggap ng tig PhP 20,000 pesos at pasok sa "Ultimate Face Off " sa Sabado (November 22)," anunsyo ni Ogie.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending at nagwagi na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: