GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay in In My Dreams
What's on TV

In My Dreams: Sari, muling nakita si Jecoy sa tunay na buhay

By Jimboy Napoles
Published June 17, 2023 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay in In My Dreams


Si Jecoy na nga kaya ang nakita ni Sari sa kaniyang pagbabalik sa realidad?

Sa previous episode ng In My Dreams, pinili ni Jecoy (Allen Ansay) na magsakripisyo para kay Sari (Sofia Pablo) upang hindi nito takasan ang realidad ng buhay. Kapalit nito, hindi na muling nakita ni Sari sa Jecoy sa kaniyang mga panaginip.

Kasabay ng paglaho ni Jecoy, hindi na rin muling nakapag-lucid dreaming si Sari. Naging daan naman ito upang harapin ng dalaga ang mga problema niya sa totoong buhay gaya ng naging maayos na muli ang relasyon niya sa kaniyang ina, at nagawa niya na ring humingi ng tulong hinggil sa kaniyang nararanasang depression.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng psychology professor (Juancho Trivino) ni Sari ang laman ng kaniyang mga naging panaginip, dito rin nito sinabi na hindi na muling makikita ni Sari si Jecoy dahil ito ay tauhan lamang na bahagi ng kaniyang lucid dreams.

Sa kaniyang pagmu-move on, to the rescue naman ang kaniyang kaibigan na si Vincent (Zyren Dela Cruz) upang tulungan siya pero lingid sa kaalaman ni Sari ay may gusto na pala ito sa kaniya.

Tuloy-tuloy na sana ang paglimot ni Sari kay Jecoy hanggang sa isang hindi inaasahang pagkakataon, habang nasa bus ang dalaga, nakita niya ang isang lalaki na kamukhang kamukha ng kaniyang pinakmamahal na si Jecoy. Si Jecoy nga kaya ito?

Balikan ang previous episodes ng In My Dreams DITO:


EPISODE 1: Sari, nagkaroon ng instant soulmate?


EPISODE 2: Kilalanin si Jecoy, ang boyfriend ni Sari!


EPISODE 3: Jecoy at Sari, nagkamabutihan at mas nakilala ang isa't isa


EPISODE 4: Jecoy, piniling magsakripisyo para sa kanyang true love na si Sari


EPISODE 5: Sari, nakita sa realidad ang boyfriend niya sa panaginip?!


Subaybayan ang In My Dreams na mapapanood sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.

SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: