GMA Logo Allen Ansay, Sofia Pablo in In My Dreams
What's on TV

Jecoy, piniling magsakripisyo para sa true love niya na si Sari

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2023 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay, Sofia Pablo in In My Dreams


Pinili ni Jecoy na iligtas si Sari mula sa kaniyang binabalak na pagtakas sa realidad.

Sa previous episode ng In My Dreams, nagdesisyon si Sari (Sofia Pablo) na manatili na lamang sa kaniyang lucid dreams kasama ang kaniyang boyfriend at “soulmate” na si Jecoy (Allen Ansay).

Dahil sa umapaw na ang lungkot na nararamdaman ni Sari dahil sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang, pinili niya na iwan na ang realidad ng buhay at manatili na lamang sa kaniyang panaginip kung saan masaya siya kasama si Jecoy.

Bago magsagawa ng lucid dreaming, binawi na rin ni Sari ang ibinigay niyang mapa noon sa kaniyang ama - ang mapa ng dating pangarap niyang tahanan para sa kanilang pamilya.

Sa kaniyang panaginip, agad niyang pinuntahan si Jecoy at sinabing tatakasan niya na ang kaniyang buhay at mananatili na sa mundo ng lucid dreams. Pero hindi sang-ayon dito si Jecoy at sinabi niya kay Sari na kailangan niyang harapin ang mga problema sa totoong buhay.

Masakit man para kay Jecoy na iwan si Sari, pero ito ang tingin niyang makabubuti sa huli upang hindi ito makulong sa panaginip.

Magkita pa kaya sina Sari at Jecoy o sa panaginip na lamang talaga magtatapos ang kanilang love story?

Balikan ang previous episodes ng In My Dreams DITO:

EPISODE 1: Sari, nagkaroon ng instant soulmate?


EPISODE 2: Kilalanin si Jecoy, ang boyfriend ni Sari!


EPISODE 3: Jecoy at Sari, nagkamabutihan at mas nakilala ang isa't isa


EPISODE 4: Jecoy, piniling magsakripisyo para sa kanyang true love na si Sari


Subaybayan ang In My Dreams na mapapanood sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.


SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: