What's on TV

In The Limelight: Claire Castro, maraming natutunan mula kina Glaiza de Castro at Gina Alajar

By Dianne Mariano
Published August 10, 2021 1:45 PM PHT
Updated August 10, 2021 9:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

claire castro


Ikinuwento ni Claire Castro kung paanong naiba ang tawag sa kanya ng mga kasamahan sa 'Nagbabagang Luha.' Panoorin sa episode na ito ng 'In The Limelight.'

Bilang isang newbie actress, marami raw natutunan si Claire Castro sa kanyang co-actors na sina Glaiza de Castro at Gina Alajar.

Sa bagong episode ng In The Limelight, inilahad ng 22-year-old actress ang pakiramdam niya sa pagiging bahagi ng bagong GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha.

CLAIRE CASTRO

Photo courtesy: In The Limelight

Aniya, “Ang masasabi ko lang po, pressure din po kasi magagaling po na artista yung kasama ko.

“Pero, at the same time, I realized po there's no need to be scared around them because they're really so nice po and ang dami kong natutunan sa kanila po.

“Ang dami kong techniques na natutunan po sa kanila. Iba't ibang techniques po iyan per actor and ang dami ko pong natutunan sa kanila. They're very kind and loving.”

Ibinahagi din ng aktres ang kanyang memorable moment sa set ng Nagbabagang Luha.

Aniya, “Si Direk Philip Lazaro po nagpa-uso nito, may one time po nadulas po siya sa name ko.”

Ayon kay Claire, natawag daw siyang “Chloe” ng director dahil napag-halo ang kanyang tunay na pangalan na “Claire” at karakter name na “Cielo”

“Tapos after po niya akong tawaging Chloe, almost all of the people sa second unit and some people po from the main unit, tinatawag na po akong Chloe.

“So, I thought that was kind of funny po,” binahagi ng aktres.

Naiyak din daw si Claire nang malaman niya na nakuha siya para sa role ni Cielo Ignacio sa Nagbabagang Luha.

Kuwento niya, “Not gonna lie, I kept crying. First kasi, di ko ineexpect na may ganoong kalaking blessing akong matatanggap.

“Napakalaking blessing po nung role and I'm very lucky to have bagged the role.

“Kasi, nag-audition po ako and it's been awhile po siguro since I've heard back from my handler kung nakapasa ako or not, and when I finally found out po na nakapasa ako.”

Mas lalo pang kilalanin si Kapuso rising star Claire Castro at alamin ang kanyang experience sa showbiz sa exclusive video na ito ng In The Limelight sa itaas o panoorin dito.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha sa gallery na ito: