
Pahinga muna sa mabibigat na ehersiyo si Kapuso actress Ina Feleo.
Sa isang Instagram post, ibinahagi niya na na-diagnose siya na may disc bulge. Dahil sa kundisyong ito, kailangan niyang umiwas sa mabibigat na ehersisyo.
Kasalukuyan naman siyang nagbabakasyon sa San Vicente, Palawan.
"Diagnosed with a disc bulge so I need to lessen my weights and focus more on low-impact exercises like Pilates and Yoga, or just chilling by the beach😎 #listentoyourbody," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Ang disc bulge ay ang pag-usli ng outer layer ng disc sa ating spine dahil sa wear and tear na dala ng pagtanda ng isang tao.
Maaari itong maging sanhi ng pain sa puwetan, binti at likod ng isang tao o maka-apekto sa paglalakad nito.
Iba ito mula sa herniated disc kung saan nagkakaroon ng crack ang outer layer ng disc.
Isang fitness buff si Ina at mahilig siyang magbahagi ng workout routines niya sa kanyang Instagram account.
Sa ngayon, binalikan niya ang kanyang "first love" na figure skating at muling nagte-train dito.
Bahagi ito ng paghahanda niya bilang isa cast members ng figure skating drama na Hearts on Ice si Ina. Makakasama niya dito sina Ashley Ortega at Xian Lim.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA JAW-DROPPING BIKINI PHOTOS NI INA DITO: