GMA Logo inah evans
Photo by: Nherz Almo
What's Hot

Inah Evans, nais maging inspirasyon sa mga tulad niyang 'baklang kanal'

By Nherz Almo
Published May 28, 2026 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Reklamo nina Alfred at Yasmine Vargas laban kay Rob Sy at asawa nito, ibinasura ng piskalya
Gazini Ganados continues to represent Palestine at the MGI All Stars
Quezon City announced as Palarong Pambansa 2027 host

Article Inside Page


Showbiz News

inah evans


Pagbabalik-tanaw ni Inah Evans sa dati nilang pamumuhay: “Parang lagi akong may thinking na, 'Makakaalis pa kaya kami dito?”

Tulad ng ibang mga komedyante, aminado si Inah Evans, “Madrama rin naman talaga ang buhay namin.”

Nakausap ng entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com, sa press conference ng upcoming solo show niyang The Baklang Kanal Show Live kahapon, May 27.

Ayon sa 37-year-old comedian, dati raw ay lagi niyang iniisip kung may pag-asa pa silang makaalis sa kanilang barong-barong sa Sampaloc, Manila.

Kuwento niya, “May blackboard ako sa barong-barong [naming]. So, magdo-drawing ako doon. Kinukuwentuhan ko lang yung kapatid ko. Parang yun yung pinaka-TV namin. Ini-entertain ko lang yung kapatid ko. 'Tapos parang lagi akong may thinking na, 'Makakaalis pa kaya kami dito?'

“Sobrang hirap talaga, like, hindi kami nakakakain sa isang araw nang tatlong beses, papasok kami nang lukot yung damit, hindi nakakaligo. 'Tapos yung nanay ko, nag-iigib ng tubig sa bombero kasi yung lang ang water namin kasi libre yun.

“So, parang kung lumalaki ka sa ganoong klase ng environment, feeling mo wala nang labas , e. Ang hirap talaga.”

Sa kabila ng kanilang kahirapan, lagi raw silang pinaalalahanan ng kanilang mga magulang na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

“Yung nanay ko kasi laging sinasabi, 'Kahit walang baon, pumasok ka kasi kailangang maging matalino ka. Yung lang ang way para makaalis sa hirap na 'to.'

“Tumatak talaga siya sa akin. 'Pag gabi, nasa ilalim ako ng streetlights; sa kanto ng eskinita doon ako nagbabasa at doon din ako gumagawa ng assignment. Nauubos yung oras ko. Minsan kapag walang pasok, nasa library lang ako. Ang hilig kong magbasa, naglalakad ako pa sa SM Santa Mesa para sa National Bookstore. Magbabasa ako ng mga libro doon.”

So looking back, pag tinitingnan ko 'yon ngayon, buti na lang hindi kami nag-rugby noong bata kami. Ganun yung naisip ko. Parang buti na lang yung nanay ko, yung tatay ko, pinush namin na mag-aral dati.

“And I think napakaganda nung… I mean, palamura lang talaga yung mga parents ko kasi siguro mahirap na sila, di ba? Pero yung tinuro nila sa akin na mag-aral ako nang mabuti, feeling ko inaani ko siya ngayon.”

Ang kanyang kaalaman ang naging sandata raw ni Inah Evans para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Sabi niya, “Kasi, di naman ako yung epitome ng sobrang ganda, di ba? Yung maganda lang ngayon. Pero nag-aral kasi ako before. So parang sabi ko, kahit naman hindi ako naging artista, nakapagtrabaho naman ako, nakaalis naman kami doon.

“So ang sarap niya lang balikan kasi nung bata ako, hindi ko talaga na-imagine na makakaalis kami doon. As in.”

Dahil sa kanyang narrating, umaasa si Inah Evans na maging inspirasyon siya sa mga tulad niyang “baklang kanal” na nakararanas ng kahirapan.

“Gusto ko sana living testament ako para sa mga iba pang baklang kanal na baka nakikita din nila ako, lalo na ngayon sa panahon ng social media na papanood nila ako. Gusto ko lang din na makita nila rin na makakalabas ka diyan. Huwag ka susuko, mag-aral ka.”

Ngayon ay unti-unti nang tinatamasa ni Inah Evans ang kasikatan. Mula sa pagiging stand-up comedian, lumalabas na rin siya sa ilang TV projects, kabilang na ang GMA Afternoon Prime show na Born to Shine.

Panoorin si Inah Evans sa Born To Shine episode na ito:

Bahagi rin siya ng one-act play na Reverse Card na mapapanood simula May 29 hanggang June 21 sa Illuminations Studio sa Makati City. Kasunod nito ay ang kanyang solo show na The Baklang Kanal Show Live sa July 10 sa Music Museum.

Ayon kay Inah, hindi niya inaasahan na aabot siya sa ganitong estado ng kanyang showbiz career.

“Noong in-offer po ito [solo show], akala ko po talaga prank. Parang kasi minsan, 'Alam mo, nakakatawa ka. Mag-produce tayo ng concert.' Kasi, never ko na-imagine na aabot ako sa ganyan.

“Actually, lahat 'to ay never kong na-imagine. Kung sasabihin sa akin 'to noong bata ako, sasabihin ko na nagsha-shabu yung nagsabi sa akin nun. Parang never kong nakita yung sarili ko.

“Pinangarap, yes, kasi kapag bakla ka, 'Ay, gusto kong mag-artista.' Pero yung sasabihin na mangyayari siya nang totoo, hindi ako makapaniwala.”

Kaya naman lagi raw pinaghuhusayan ni Inah Evans sa anumang trabahong natatanggap niya.

“Sa mga nagagawa ko, lagi kong mine-make sure na kapag nakita ito ng mga naniniwala sa akin, dapat napa-proud sila sa akin. Ayaw ko na nasasayang yung suporta sa akin,” aniya.

Kaakibat din nito ang laging pagtulong sa mga kapwa niyang artista na nagsisimula pa lang.

“Lagi lang akong humble. Minsan hindi ko pa rin siya mapaniwalaan. Parang lagi lang looking forward and whatever na natatanggap ko, dapat nako-continue ko yun sa iba. So, in my own little way, I try to help. I try to give opportunities din sa iba. And always look back kung sino po talaga ang mga tumutulong, pumapalakpak, yung sumusuporta sa akin—hindi ko po talaga nakakalimutan,” pagtatapos niya.

Related gallery: Popular Filipino comedians who also nailed dramatic roles