Patay ang isang 38-anyos na motorcycle rider matapos maaksidente sa Kalibo, Aklan nitong Biyernes.
Nangyari ang aksidente sa Barangay Estancia bandang 1:30 a.m. noong Hulyo 17.
Ayon sa Kalibo Police, pauwi na ang rider na si "alyas John" at posibleng nakaidlip ito habang nagmamaneho.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagbagsak ng motor. Tumilapon ang rider mula sa motorsiklo at nagtamo siya na malubhang sugat sa ulo. —KG GMA News
